Pagnasa America ka, tingin ng mga nasa Pinas ang dami mong $$$ ang di nila alam $$$ din ang ginagastos natin dito at pinapambayad sa mga utang, bills, etc...sapat lang ang ating kinikita para makasurvive at lumalaki lang ang value ng $$$ pagpinadala sa Pinas...kaya lang sa panahon ngayon bumababa na ang dolyar kaya tuloy mas malaki na ang pinapadala natin sa ating mga mahal sa buhay sa Pinas..pero ang sahod ganon pa din..
Mahirap kumita ng dolyar…
September 8th, 2006 by maryangel
Nung nasa Pilipinas pa ako, naririnig ko sa mga teachers na nagtatrabaho sa US na mahirap ang magturo kasi iba ang ugali ng mga bata at yung pinaka"worst" na estudyante sa Pilipinas ang katumbas ng pinakamabait sa US…akala ko exaggeration lang ang lahat pero ngayon nalaman kong totoo pala…Ibang-iba sila. Parang balewala sa kanila ang lahat, pumapasok ang iba sa school kasi libre ang breakfast at lunch…at kailangan nilang pumasok dahil kung hindi idedemanda ang mga magulang nila.nakakagulat nga kasi sa Grade 7 madami ang hindi maruning ng basic operations, di kabisado ang multiplication table, maraming hirap sa spelling at sentence construction. Marunong silang magsalita ng ingles pero di sila gramatically correct minsan.
Bilang isang teacher dito sa Baltimore kailangan sobrang haba ng pasensya mo, malawak ang pang-unawa,punong-puno ng pagmamahal sa mga bata, overprepared ka sa bawat araw at tapos ang mga paperworks sa oras. Lahat halos black and white…written…documented, mahirap na pag may nagreklamong bata at binaliktad ka. Stressful ang work at mas nakakastress rin ang magsaway ng mga bata…buti na nga lang kahit paano gumagawa pa rin sila…Nakakapagod lang kasi pagkatapos mong mag discuss, kailangan mo pa silang isa-isahin at ipaliwanag paano yun gagawin…at yung iba di na nga gagawa manggugulo pa ng kaklase…Nakakapagtaka pero parang mas magagaling pa mga grade 5 na tinuruan ko dyan sa Pinas kumpara sa mga bata dito…
May mga bata mang di masyadong maganda ang pag-uugali pero may mga ilan pa ring mabait at responsable. Alam ko na sa tulong ng mga Filipino teachers dito unti-unting mababago ang pananaw ng mga bata sa pagpunta sa paaralan. Dahil andito kami hindi lamang sa sarili naming kapakanan, hindi lang dahil sa dolyar kundi dahil nais rin naming makatulong sa mga bata at maturuan sila ng tama…nandito kami upang gampanan ang misyon ng Diyos sa buhay namin upang madama ng mga bata ang pagmamahal at pang-unawa namin sa kanila na minsa’y wala sa kanilang mga tahanan…Nandito kami ngayon upang matututo sa buhay at mas lumawak pa ang karanasan sa pagtuturo nang sa gayon ay maibahagi ang mga natutunan namin sa pagbalik namin sa ating Inang Bayan.
Lahat kami ay namayat kaagad sa loob lamang ng 2 linggong pagtuturo…Narealize naming lahat, mahirap talang kumita ng dolyar…hindi pinupulot ang 1 penny dito kundi lubos itong pinaghihirapan…kapalit ng bawat dolyar ay ang mga gabing kulang kami sa tulog, hindi makakain dahil sobrang daming trabaho (at minsan wala ng gana dahil sa sobrang pagod), sama ng loob dahil sa kakaibang pag-uugali at pananalita ng mga bata, kapalit ng mga luhang tumutulo mula sa aming mga mata dahil sa pinaghalong lungkot at pagod…may mga panahon na parang gusto na namin sumuko at umuwi na lang pero dahil sa mga mahal naming pamilya kinakaya namin ang lahat ng pagsubok at nakahanda kaming sumugod sa unos na dumarating…salamat na lamang dahil ang mga principal at assistant principal namin dito ay ubod ng bait at todo suporta ang binibigay sa amin. Walang anumang materyal na bagay ang hihigit pa sa pagmamahal ng mga principal at coteachers namin. Bukod pa don, pinagpala kami ng mapagmahal na pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.Salamat sa pagpapalakas nyo sa loob namin…salamat sa inyong mga panalangin at patuloy nyo lang kaming isama sa inyong panalangin…
No comments:
Post a Comment